Linggo, Enero 3, 2016

IT'S MORE FUN IN LAGUNA!




   Ang Pilipinas ay isang bansa na biniyayaan ng magagandang tanawin. Kaya naman sa tuwing pinaguusapan ang kagandahan ng bansang ito, puno ng saya at pagmamalaki ang nararamdaman ng mga nakatira rito. Sa sobrang dami at ganda ng mga tanawin sa Pinas, ako ay nahihirapang pumili ng lugar na aming paggagawaan ng Lakbay-Aral sa Filipino. Ngunit dahil sa kaayusan, kalinisan, at kagandahan ng Calamba, hindi ako nagdalawang-isip na iyon ang lugar na puntahan para sa aming proyekto. 
    Ika-19 ng Disyembre, 2015, maaga kaming umalis para makapunta kaagad sa Calamba, Laguna. Apat kaming magkakaklase na pumunta doon at mahahalata sa amin na gustong gusto na namin na makarating doon. Unang lugar na pinuntahan namin sa Calamba ay ang Bahay ng pambansang bayani na si Jose Rizal. Humingi muna kami ng pahintulot sa nakatataas bago kami nagbidyo roon. Saktong-sakto at naabutan namin roon ang sumulat ng libro tungkol sa buhay ni Rizal. Tinanong namin siya tungkol sa mga nilalaman ng libro at dahil nagustuhan namin ang kanyang libro, bumili kami ng isa nito. Nilibot din namin ang bahay ni Rizal at sa tulong ng aming Tourist Guide, naintindihan naming mabuti ang naging buhay ni RIzal.
      Susunod naman naming pinuntahan ang St. John the Baptist, kung saan nagsimba muna kami ng saglit at kinuhaan namin ng mga larawan ang nakakamanghang simbahan.
Huli namin na pinuntahan sa Calamba ay ang Calamba's Giant Clay Pot. Noong una ay wala talaga kaming balak na puntahan iyon ngunit dahil nakakaagaw-atensyon ang lugar na ito, pumunta na rin kami at kumuha ng mga larawan. 
Naisipan rin namin na bumili ng iilang produkto ng Laguna. Kahit na nakakapagod ang byahe, masaya naman dahil nakatuklas kami ng isang magandang tanawin sa Pilipinas.Ngayon naniniwala na talaga ako na It's More Fun In Laguna!